Dead on the spot ang isang dating pulis na nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga nang pagbabarilin ng anim na lalaki sa Barangay Old Balara sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Rodolfo Aspril, 60, ex-o ng Bgy. Old Balara, ayon sa pulisya.

Si Aspril na dating aktibong pulis ay dating nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Pauwi na sana ang biktima, kaangkas sa motorsiklo ang isang Lea Ross, 42, nang abangan at pagbabarilin ng anim na lalaki sa nasabing lugar, dakong 6:45 ng gabi.

Kaagad na tumakas ang mga suspek sakay ng tatlong motorsiklo, ayon sa pulisya.

National

Legal counsel ng Gawad Kalinga founder, nagsalita tungkol sa pagkaaresto ng kliyente

Masusi pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya sa kaso.

-Minka Klaudia Tiangco