Inihayag ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) na tumanggap sila ng ulat na may mga mambabatas na nagpupulong sa ilang malalaking hotel para magkape at pagkatapos ay pumapasok sa kuwarto para magpaturok ng COVID-19 vaccines.

Hindi nabanggit ang mga pangalan ng umano’y mga mambabatas at hindi rin naiulat kung sila ay mga senador o kongresista. Hindi rin nabanggit ang pangalan ng mga hotel.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, hindi niya matanggap ang paliwanag na ang mga doktor na nagbabakuna ay pinuwersa ng mga kongresista o senador.

“I’m not buying the explanation that the doctors administering the shots are being pressured by lawmakers. Someone is peddling the service and it is unacceptable,” aniya.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Kaugnay nito, sinabi ni FDA director general Eric Domingo, ang DOH at FDA ay nakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs (BoC) para mapigilan ang di-awtorisadong pagpasok ng mga bakuna at iba pang droga sa bansa.

Tahasan namang inihayag ni House Deputy Minority Leader Janette Garin, isang medical doctor at dating Health Secretary, na lubhang mapanganib ang paggamit ng di-awtorisadong Sinopharm COVID-19.

“Vaccines that are not tested and smuggled into the country are dangerous,” paliwanag ng mambabatas.

Idiniin ni Garin, dapat munang aprubahan ng FDA ang mga bakuna maging donasyon lang o binili. “Whether these vaccines were donated or purchased, (they) should be approved by FDA. Vaccines and medicines for use, even in clinical trials, also need FDA clearance. Even donations need FDA clearance,” aniya.

Pinaalalahanan din ng kongresista ang gobyerno na maging maingat sa pagbili ng mga bakuna na gagamitin sa mass vaccination.

“With the variety of vaccines like Pfizer, Moderna and AstraZeneca to name a few, let us not endanger our countrymen by using vaccines with no guarantee and uncertain origin. Let us remember that public health and lives of our people are at stake here,” pagdidiin pa ni Garin.

Bert de Guzman