Nanawagan sa pamahalaan ang mga unyon ng manggagawa sa kusugan sa Pilipinas na unahin ang healthhcare workers sa unang yugto ng pagbabakuna sa sandaling maaprubahan ang isang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ng mga manggagawa sa kalusugan sa ilalim ng Nagkaisa Labor Coalition sa isang pahayag nitong Sabado na ang healthcare workers (HCWs) na nagtatrabaho sa frontlines ng pandemya ay dapat unahin sa pagbabakuna nang maaga upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng coronavirus.

Sinabi ni Manuel Payao, chairperson ng Hospital Unions of the Federation of Free Workers (FFW-Trade Federation 8 ) na, “HCWs are in the first line of fire, they are the first at risk for exposure to COVID-19 virus, a serious and deadly disease.”

Idinagdag ni Payao, pangulo rin ng UERM Employees Association FFW, na mataas ang peligro na mahawaan ng virus mula sa mga pasyente na kanilang hinahawakan kaya “it is logical and natural that we should get the first appropriate vaccines to reduce the chance that we will get or spread that vaccine-preventable disease.”

National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

“The Nagkaisa Labor Coalition urges the government and the employers to protect our HCWs, their patients, and their family members by inoculating first the HCWs,” panawagan ng labor group.

Binigyang-diin din ng koalisyon ng paggawa ang “need for transparency in the purchase and the accountability of public officials in the regulation and distribution of the vaccines,” idinagdag na may malaking papel ang Food and Drug Administration sa transparency at pananagutan upang masiguro ang kumpiyansa ng publiko.

Sa kabilang banda, sinabi ni Vilma Garcia ng Dela Salle Health and Science Institute Employees Union-FFW, na hindi lamang ang mga doktor, nurses, emergency medical personnel, dental professionals ang dapat unahin sa pagbakuna kundi pati na rin ang mga ordinaryong manggagawa sa mga ospital at klinika tulad ng orderlies, janitor, at security guard.

Dapat ding masakop ang medical at nursing students, laboratory technicians, pharmacists, dietitians, hospital volunteers, at administrative staff.

-BETHEENA UNITE