PATULOY na nagte-trending si Paulo Avelino at ang pelikula nitong Fan Girl sa Twitter dahil sa eksena sa MMFF entry kung saan nasilip daw ang manhood ng aktor. Sabi kasi ng mga nakapanood na ng movie, may eksenang umiihi si Paulo at doon nakita ang kanyang manhood.
Kahit anong paalala ng mga producer ng movie na ‘wag i-post online at ‘wag ikalat ang eksena, hindi mapigil ang netizens, pino-post talaga nila ang clip ng eksena ni Paulo na umiihi, kaya. Ayun ang dami ng nakakita.
Ang maganda lang, dahil sa nasabing eksena, mas marami ang na-curious na panoorin ang Fan Girl. Saka, hindi lang naman sa manhood ni Paulo interesado ang netizens, pati rin sa acting ni Paulo at leading lady nitong si Charlie Dizon. Pareho silang nominated na best actor at best actress sa MMFF Awards night.
-Nitz Miralles