TULOY na ang inaabangang tambalan nina James Reid at Nancy Mcdonnie ng Momoland sa The Soulmate Project, next year.

nancy at james

Sa social media, inanunsiyo ng Dreamscape PH, na ipalalabas na sa unang bahagi ng 2021 ang show na dapat sanang ire-release ngayong taon.

Naka-set ang palabas sa isang bersiyon ng Pilipinas kung saan nagpatupad ang pamahalaan ng batas “that matches citizens with their soulmates,” sa ilalim ng

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Republic Act 143 na mas kilala bilang “The Soulmate Project.”

Matatandaang last year Oktubre nang lumagda si Nancy, 20, kasama ang iba pang miyembro ng Korean Girl Group Momoland at ang kanilang management na MLD Entertainment ng isang exclusive contract sa ABS-CBN para sa management ng kanilang careers sa Pilipinas.

-Neil Patrick Nepomuceno