Umabot sa inisyal na P5.37 milyon halaga ng agrikultura ang napinsala ng bagyong “ Vicky” sa Rehiyon 11, sinabi ng Department of Agriculture.
Sa datos ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, may 1,435 magsasaka at 663 ektarya ng lupang sakahan ang naapektuhan ng bagyo habang abot sa 143 metric tons ang production loss o pagkalugi sa agricultural products.
-Beth Camia