SA Amanpulo nag-celebrate ng kanilang 2nd anniversary as a couple sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Nag-post si Maine ng photo nila together at ang caption ay “happy second” na may kasamang blank heart emoji.

maine at arjo

Nag-post din si Arjo ng photo nila ni Maine na magkasama at may caption na “I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd Anniversary bubs!” at sinamahan ng red heart emoji.

But as usual, may ilang fans pa rin ng Aldub ang ayaw paniwalaan na may relasyon ang dalawa at ipinagdidiinang fake ang relationship ng dalawa at edited daw ang pictures na pino-post ni Maine at ni Arjo.

Tsika at Intriga

Marco Gumabao at Cristine Reyes, nag-followan ulit pero 'di raw nagkabalikan

May nag-comment pa nga na hindi si Maine ang may hawak ng kanyang Instagram account at hindi nito alam ang mga pino-post na hindi kapani-paniwala.

Ang pinaniniwalaan pa rin ng ilang Aldub ay sina Maine at Alden Richards ang totoong may relasyon at kasal na nga raw ang dalawa at may dalawang anak na. Bagay na ilang beses nang itinanggi nina Maine at Alden, pero ayaw pa ring paniwalaan ng ilan sa kanilang fans.

Paano ‘yan, ‘pag ikinasal na sina Maine at Arjo, sasabihin pa rin ba ng ilang Aldub fans na fake wedding ‘yun at edited ang wedding photos na lalabas?

-NITZ MIRALLES