ALAM pala ni Rey Abellana na live-in ang anak na si Carla Abellana at Tom Rodriguez at nagpahayag ng suporta sa desisyon ng dalawa. Sabagay, hindi naman inililihim nina Carla at Tom ang set-up ng kanilang relasyon dahil sa post nila sa Instagram, may mga pahiwatig silang sila’y nagsasama na.

tom at carla

Tama si Rey, nasa right age na ang anak at si Tom at kaya nang magdesisyon para sa kanilang mga sarili. Alam nila ang kanilang pinasok at kaya nilang panindigan.

Speaking of Carla, tapos na ang lock-in taping nila nina Rhian Ramos, Mikael Daez, Coney Reyes at ibang cast ng primetime series ng GMA-7 na Love of My Life. Kaya kapag nagbalik-telebisyon ang teleserye simula sa December 28, tuluy-tuloy na ang airing nito hanggang magtapos ang serye.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Malalaman natin kung ano ang mangyayari sa mga karakter nina Carla, Rhian, Mikael, at Coney at kung tama ang hinala ng Kapuso viewers na babalik ang karakter ni Tom sa teleserye.

-Nitz Miralles