SA latest vlog ni Dra. Vicki Belo, ibinahagi ni Sarah Geronimo kung paano nag-proposed sa kanya ang asawa na si Matteo Guidicelli, not once but twice.Unang nangyari ito sa Italy.
At kalaunan ay muling nag-proposed ang actor sa kanya sa Cebu.
Matatandaang ang huli ay ibinahagi ni Matteo sa kanyang social media account last year.
Bagamat hindi naman nabanggit ni Sarah ang kung kalian naganap ang unang proposal, matatandaang may mga lumbas na ulat hinggil sa dalawa na spotted sa Italy noong 2018.
Tikom din ang bibig ni Sarah kung present sa dalawang event ang kanyang mga magulang.
A few months ago, ibinahagi ni Matteo na binigyan niya ang 32-anyos na singer ng two sets of rings nang hingin nito ang kamay ng dalaga: Ang kanyang grandmother’s heirloom ring, at isa pa na gawa ng kanyang jeweler brother-in-law.
Sa naturang vlog din, inilarawan ng Pop Star Princess si Matteo bilang sweet, thoughtful, at clingy.
Habang ibinahagi naman ni Vicki, ang pagka-conservative ni Matteo.
Inalala ni Dr. Belo kung paanong hindi nagugustuhan ng aktor ang pagsusuot ni Sarah ng bathing suits. But in that occasion, naka-unitard naman ni Sarah.
Pagbabahagi ni Vicki, “Sabi ni Matteo ‘Medyo masyadong bold ‘yan,’ ‘Tita can you tell Sarah it’s bold?’ Sabi ko, ‘Matteo hindi siya bold, may short!”
-STEPHANIE BERNARDINO