DAVAO CITY – Nahaharap ngayon sa kasong administratibo ang isang opisyal ng pulisya sa Davao region matapos mabisto na pineke nito ang resulta ng kanyang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa Davao International Airport, kamakailan.

Kinilala ng Davao City Information Office ang suspek na si Lt. Joy Line Cumbao, isang forensic officer na nakatalaga sa Philippine National Police (PNP)-Crime Laboratory sa Davao.

Sa ulat, nahara si Cumbao sa nasabing paliparan nang makumpirma ng mga awtoridad na peke ng hawak niyang RT-PCR results.

Kinumpirma rin ni PNP Crime Laboratory-Davao director PBrig. Gen. Steve Ludan na hindi sumailalim si Cumbao sa virus test bago ito bumiyahe patungong Davao.

Metro

QC Mayor Joy at Naga City Mayor-elect Leni, nagkita; posibleng maging 'sisters'

Nang iberipika sa Camp Crame, wala rin makitang rekord si Cumbao na sumailalim ito sa COVID-19 test.

-Antonio Colina IV