Back to acting si Claudine Barretto para sa pelikulang Mamasapano SAF 44, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo. Nitong Linggo, Disyembre 13, nag-umpisa si Claudine sa kanyang mga eksena na kinunan sa Pampanga para sa pelikulang inspired ng true-to-life events.

Cameo role lang ang partisipasyon ni Claudine sa pelikulang pinagbibidahan nina Aljur Abrenica, JC de Vera, Edu Manzano, at marami pang iba.

“Iwill play Erika Babalina, just a cameo role, short lang talaga. Please support our movie,” maikling pahayag ni Claudine.

Samantala,marami pa rin ang naintriga sa latest post ng aktres sa kanyang Instagram account na may caption na, “Some people aren’t really all that they ‘post’ to be.”

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Sinundan pa niya ito ng post na, “PRACTICE WHATYOUPREACH. Some people kasi use GOD, they live a double life. Yung nagmamalinis.”

Hanggang sa ngayo’y palaisipan pa rin kung sino ang pinatatamaan ni Claudine.

Oh, well.

Ador V. Saluta