MABILIS kumalat ang balitang magsasama sa pelikula sina Bea Alonzo at Alden Richards at mabilis din ang reaction/feedback ng netizens. Ang fans ni Alden, natutuwa na finally, matutupad na ang kanyang pangarap na makasama sa pelikula ang favorite actress at idol niya sa Philippine adaptation ng hit Korean movie na A Moment to Remember.
Natuwa rin ang fans nina Alden at Bea dahil hindi na lang sa TVC ng shampoo, magkakasama, pati na sa pelikula. Isa pang ikinatuwa ng fans, melodrama ang A Moment to Remember at mapipiga at lalabas ang husay sa aktingan ng dalawa.
May mga hindi rin natutuwa, in fact, naba-bash na si Alden, si Bea pati ang mga producer ng movie na Viva Films at GMA Pictures. Kesyo, bakit daw adaptation, bakit hindi na lang original story? Para lang malinaw, adaptation din naman ng Japanese television drama na Pure Soul ang A Moment to Remember.
May nag-comment pang hindi nila susuportahan ang movie dahil Star Cinema movies lang ang pinanonood nila.
May sobrang harsh comment na sa movie nila ni Bea mapapatunayan ni Alden ang box-office charisma niya, ngayong hindi si Kathryn Bernardo ang kapareha niya. Parang minaliit ng bashers ang supporters ni Alden na ginawa ang lahat para maging box-office hit ang movie nila ni Kathryn na Hello, Love, Goodbye. Sa suporta ng fans ni Kathryn at ng casual viewers, kumita nang malaki ang HLG na mai-stream sa Netflix sa Christmas Eve.
Si Nuel Naval ang director ng A Moment To Remember, na siya ring director ng Philippine adapatation ng Miracle in Cell. No. 7. Marami ang pinaiyak at pinatawa ng nasabing pelikula na pinagbidahan ni Aga Muhlach.
Isang big factor sa A Moment to Remember na ikaku-curious ng netizens, ang lead actress nitong si Son Ye Jin na bumida sa hit K-drama na Crash Landing On You. Lead actor naman nito si Jung Woo Sung.
Mag-asawa ang role nina Alden at Bea sa movie at magkakaroon sila ng malaking problema nang magkaroon ng early-onset Alzheimer’s disease ang babae. Sa January na raw sisimulan ang shooting ng pelikula.
-NITZ MIRALLES