RAMDAM na masaya ang showbiz sa engagement nina Luis Manzano at Jessy Mendiolana after 4 years of being in a relationship, heto at engaged na. Sa Amanpulo sa Palawan nag-propose si Luis, kung saan nagbakasyon si Jessy noong kanyang 28th birthday.
Hindi lang malinaw kung magkasama sila ni Luis na dumating sa Amanpulo o sumunod na lang si Luis. Ang gaganda ng photos before and after the proposal at ang pinakagusto ng netizens ay ‘yung kahit naka-long gown si Jessy at naka-suit si Luis, pareho silang naka-paa.
Hintayin nga natin kung ang isusuot ni Jessy sa kasal nila ni Luis ay ‘yung nag-viral na photo na nagsusukat siya ng wedding dress ng Perez-Rubio Bridal.
Anyway, heto ang ilan sa mga taga-showbiz na bumati kina Luis at Jessy:
Heart Evangelista: “Wohooo Drew Arellano: “Yuuu oh! Congratulations guys!!!
Vice Ganda: “O loko! Ayan naaaaa! Congrats munchie!
Jodi Sta. Maria: “Congratulations Lu and Jessy!
Iza Calzado: “OMG!!! Soooo incredibly happy for the HowHows!!! Congratulations and best Wishes!!!
Agot Isidro: “Yey!!! Congratulations!
Alex Gonzaga: “Congrats and mabuhay helmet ni jessy
Anne Curtis: “Congratulations again you two Zsa Zsa Padilla:” “Congrats howhows Lani Misalucha: “Woohooo!!! Congratulations you two!!! Lovi Poe: “Ahh congrats and the hashtag is so good!
Ilan pa sa nag-congratulate sina Marian Rivera, Julia Montes, Isabelle Daza, Max Collins, Jolina Magdangal, Coleen Garcia, Bela Padilla, Derek Ramsay, Karla Estrada, Diana Zubiri, Chynna Ortaleza, Maxene Magalona, Soleen Heussaff, Arci Muñoz, Vhong Navarro, Yeng Constantino, Dawn Zulueta, Vina Morales, Kean Cipriano, Julie Anne San Jose, Iya Villania, Rayver Cruz, Sofia Andres, Robi Domingo, Jerald Napoles, Sue Ramirez at marami pang iba.
Wala pang announcement kung kailan ikakasal sina Luis at Jessy. Hintayin na lang natin ang announcement.
-Nitz Miralles