ISA ang pelikulang Isa Pang Bahaghari na entry sana in last year’s sa Metro Manila Film Festival pero na-reject. Ikinagulat ito ng marami dahil mas maganda daw ito kumpara sa 2018 big winner na Rainbow’s Sunset. Pasok ito sa Summer Filmfest na hindi naman natuloy dahil sa pandemya.
Finally isa ng kalahok sa 2020MMFF ang pelikula na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Phillip Salvador. Ang feeling ni Direk Joel Lamangan ay naapi ang Isa Pang Bahaghari dahil hindi sa mga sinehan kundi sa streaming. Maraming Pinoy ay hindi alam ang proseso at ayaw magbayad online. Ang ganitong set-up ay ‘di-gaanong nagki-klik. Maging ang Netflix ay ‘di ganoon kalaki ang following compared sa ibang Asian countries. “We have to educate the public lalo ang taga probinsiya tungkol sa streaming,” saad ni Lamangan.
Sa press preview ay pinuri ang acting ng entire cast. Ang mensahe on love, acceptance at kapatawaran na siyang diwa ng Pasko ay binigyan diin ng pelikula.
-REMY UMEREZ