Matutuwa ang fans ni Julie Anne San Jose na nag-request sa GMA-7 na bigyan siya ng bagong acting project. Matagal-tagal na rin ang huli niyang teleserye na My Guitar Princess, noon pang July, 2018.

Magbibida si Julie sa upcoming series na Heartful Cafe na mapapanood sa GMANews TV.

Gagampanan ni Julie ang role ni Heart Fulgencio, isang online romance novelist na may-ari ng The Heartful Cafe. Makakapareha niya si David Licauco na gaganap bilang ang guwapo at goal-driven niyang co-investor na si Ace. Kasama rin sina Zonia Mejua sa role ni Sol ang prangkang pinsan ni Heart, Jamir Zabarte bilang ang boy-next-door at nakakatuwang si Buddy.

Ang series ay maghahatid ng iba’t ibang kuwento ng pag-ibig at marami ang makaka-relate, kaya subaybayan kapag umere na.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Nitz Miralles at Nora V. Calderon