Inilunsadworld wide ang Cyberpunk 2077, isang video game na iniulat na isa sa pinakamahal na nagawa.

cyberpunk 2077

Dalawang beses na naantala ang release nito ngayong taong at napilitan ang mga developer na magdagdag ng mga babala matapos magreklamo ang isang reviewer na naging sanhi nito ng isang epileptic seizure.

Sinabi ng reviewers na ang laro ay malalim na nakakaengganyo at pinuri ang paglalarawan nito ng isang futuristic cyber city, pati na rin ang kalayaan na ibinigay sa mga manlalaro.

Tsika at Intriga

Yassi Pressman sinita dahil sa pandesal, bumwelta agad

Ngunit maraming reviewers rin ang pinuna ang mga bug sa laro, na muling binuhay ang debate tungkol sa mga developer na nagbebenta ng isang hindi natapos na produkto sa buong presyo.

Ang main character ng Cyberpunk 2077 ay ang gun-toting na si “V”, who makes his way through Night City -- isang conflict-ridden American megacity.

Tampok din sa game ang mukha at boses ng Hollywood star na si Keanu Reeves, kilala sa Matrix trilogy at John Wick.

Ang badyet para sa laro ay tinatayang nasa 1.2 bilyong zloty ($ 328 milyon), ayon sa analysts sa Polish bank na BOS, na gagawin ang Cyberpunk 2077 na isa sa most expensive video games ever made.

Agence France-Presse