July 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kainamang Meralco yan!' Rosmar todo-flex sa electric bills, umabot sa ₱300k

'Kainamang Meralco yan!' Rosmar todo-flex sa electric bills, umabot sa ₱300k
Photo courtesy: Rosemarie "Rosmar Tan" Pamulaklakin (FB)

Nagpatawa ngunit nagpahayag din ng pagkagulat ang negosyante at social media personality na si Rosemarie "Rosmar Tan" Pamulaklakin matapos niyang ibahagi sa social media ang ilan sa mga natanggap niyang bayarin sa kuryente para sa kaniyang bahay, mga negosyo, at ari-arian.

Sa kaniyang Facebook post, ipinakita ni Rosmar ang magkakahiwalay na Meralco bills ng ilan niyang establisimyento, kabilang ang isang spa, laundry business, at iba pang properties.

“Kainamang Meralco yan HAHAHA tapos hindi lang isa. Ang dami nila HAHAHAHAHHA,” ani Rosmar.

Dagdag pa niya, umaabot na umano sa halos ₱300,000 ang kabuuang halaga ng mga bill na kaniyang natanggap, at hindi pa umano kasama rito ang iba pang mga bayarin na darating pa lamang.

“300k halos, di pa kasama ung iba. Half pa lang yan. May parating pang ibang bills. #Meralco,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Batay sa mga larawang ibinahagi ng social media influencer, may mga bill na lumalagpas sa ₱50,000 bawat account. Kabilang dito ang isang residential account na may higit ₱57,000 na singil, habang ang iba pang account para sa kaniyang mga negosyo ay nasa mahigit ₱37,000 hanggang ₱56,000.

Agad namang umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen ang kaniyang post. May ilan na nakisimpatya sa laki ng gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo, habang ang iba naman ay nagbiro na natural lamang ang mataas na konsumo dahil sa dami ng kaniyang negosyo at mga ari-arian. may mga nagbiro pang "pumaldo" raw ang Meralco sa kaniya.

Matatandaang hindi lamang si Rosmar ang celebrity na pumalag sa kaniyang electric bill.

Ilan sa mga pumalag dito ay sina Cacai Mitra, Barbie Imperial, at Jayson Gainza.