NGAYONG Linggo, Disyembre 6, abangan ang mga panibagong pelikulang ihahatid ng GMA Network para sa buong pamilya!
Tunghayan sa Kapuso Movie Festival ang isang kakaibang adventure dala ng Kubo and the Two Strings. Sundan ang paglalakbay ng batang si Kubo sa kaniyang paghahanap ng mahiwagang suit of armor na pagmamay-ari ng kaniyang yumaong ama para malabanan ang kaaway na nagmula sa nakaraan.
Sa GMA Blockbusters naman ay paniguradong sasakit ang tiyan ng manonood sa kakatawa sa Boy Tokwa: Lodi ng Gapo tampok sina Jose Manalo, Joey Marquez, at Buboy Villar. Huwag palampasin ang kuwentong hango sa totong buhay ni Rodrigo Morelos (aka Boy Tokwa) at ng kaniyang mga kaibigan.Sesentro ito sa kaniyang apo na si Andy Morelos Woods at ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas upang alamin ang katotohanan tungkol sa kaniyang lolo.
Samantala, ipapalabas sa Telesine Presents ang drama na Casa Lucrecia, na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal, Jaclyn Jose, at Cherry Pie Picache. Gagampanan nila ang mga karakter ng tatlong magkakapatid na ipaglalaban ang kanilang kinalakihang tahanan mula sa mga nais kumuha nito.
Huwag palalampasin ang mga ito sa Kapuso Movie Festival.
-MERCY LEJARDE