NAKAKATUWA ang fans nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil wala pa ngang ina-announce ang mag-asawa if they are pregnant, inunahan na ng fans. Dahil nakita nilang medyo lumaki ang tiyan ni Sarah, buntis na raw ito.

sarah at matteo

Sunud-sunod ang comment nila sa Instagram page pa mismo ni Matteo sa kondisyon ni Sarah. Mababasa ang comments na Am i seeing baby bump?” “Baby bump or am i seening things LOL,” “OMG Mrs. G is preggy!!!!”

May isa pang photo ni Sharon Cuneta na tila nasa isang photoshoot at kahit malayo ang kuha kay Sarah, pinansin pa rin ng fans na malaki ang tiyan ng singer-actress. Ibig sabihin daw noon ay preggy na nga si Sarah. Kaya inunahan na nila ang mag-asawa sa pag-a-announce na buntis si Sarah.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

In fairness, maganda ang rason ng fans kung bakit gusto nilang magbuntis na si Sarah. Baka raw ‘pag may baby na sina ni Matteo, mas madali na sa parents ni Sarah na tanggapin si Matteo as her husband. Iba raw ang nagagawang magic ng baby dahil ang mga manugang na hindi matanggap ay biglang natatanggap.

-Nitz Miralles