Tatlong bagay ang isiniwalat ni John Llyod Cruz kay Boy Abunda. Tatlong taon na simulan nang nilisan ng aktor ang showbiz at namuhay tulad ng pangkaraniwang mamamayan. Hindi man lang nagparamdam kung kailan aarte muli. Ano ang dahilan at tinalikuran niya ito?

“Nakakapagod ang demands ng propesyon. May mga bagay na gusto kong gawin at dahil artista ay di ko magawa,” paliwanag ng aktor.

Umiinog ang mundo ni Lloydie sa anak niyang si Elias Modesto. Siya ang pinakamahalagang bagay na nagpapasaya sa aktor. Acting wise, John Lloyd is a thinking actor at kung may isang taong hindi niya mapahindian, ito ay walang iba kundi si direk Lav Diaz. Marami daw siyang natutunan kay Lav, na ang mga pelikula ay kinikilala sa festivals abroad. Sabihin nating may mutual adoration society ang dalawa na muling magkakasama sa Servando Magdamag.

Ang tanong: kailan kaya gagawa ng commercial film si Lloydie kasama ang paborito niyang leading lady na si Bea Alonzo?

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

-REMY UMEREZ