Payag si Kapuso Queen of Creative Collaborations and wife of Sorsogon Governor Chiz Escudero, Heart Evangelista, na maging tour guide ni Lisa Manoban ng Blackpink.
Sa isang interview kay Lisa, nang unang pumunta ng Pilipinas, nasabi niyang kapag nakabalik siya sa bansa, gusto niyang ituloy ang balak niya noon na bumisita sa Chocolate Hills sa Bohol at makipag-interact and swim together with the famous whale sharks sa Sorsogon.
Nang una palang pumunta rito si Lisa ay sinabi na niya sa manager niya na gusto niyang mag-swim with the whale sharks, pero hindi raw ito pumayag at mahirap pumunta roon. Kaya promise daw ni Lisa na next time na bumalik siya ng Pilipinas ay tutuparin niya ang wish niya.
Isang netizen naman ang nag-tag kay Heart tungkol sa wish ni Lisa at sagot nito: “OMG... super-willing akong mag-tour guide kay Lisa. #MahalKong Sorsogon.”
Madalas ngayong nasa Sorsogon si Heart dahil nag-open siya roon ng bagong business, showcasing native Sorsogon products, and taking part sa mga relief operations for residents affected by the Covid-19 pandemic.
Samantala, napapanood ngayon si Heart sa rerun ng My Korean Jagiya with Korean actor Alexander Lee, every night sa GMA-7.
-NORA V. CALDERON