DAVAO CITY – Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay ng kumakalat na “text scam” na ginagamit ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang makapanloko sa publiko sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe na nanalo ang mga ito ng P750,000 sa isang “electronic raffle.”
Inilabas ng SEC ang babala nang ihayag nito na hindi rehistrado sa kanila ang “President: Rodrigo Duterte Charity Foundation”.
Kinumpirma rin ng Policy and Specialized Supervision Sector ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nap eke ang sinasabing electronic raffle.
Sinabi ng ahensya, humihingi umano ng pera sa mga binibiktima ng nasabing foundation upang makuha ng mga ito ang kanilang napanalunan.
Kaugnay nito, umapela ang SEC sa publiko na i-report kaagad sa kanilang tanggapan, sa National Telecommunications Commission, National Bureau of Investigation, BSP, at sa Department of Trade and Industry ang kahalintulad na insidente upang maaksyunan nila ito.
-Antonio L. Colina IV