Aprubado na ng Kamara ang tinatawag na “Eddie Garcia Bill” na naglalayong magkaloob ng proteksiyon sa mga manggagawa sa entertainment industry kasunod ng pagkamatay beteranong aktor na si Eddie Garcia noong nakaraang taon habang may shooting.
Ang pinagtibay ay ang House Bill 7763 (Actors Occupational Safety and Health Standard Act) na unang pinagtibay ng House committee on labor noong Agosto.
Binanggit ni Deputy Speaker Mikee Romero, stepson ni Garcia, ang kahalagahan ng panukala para sa proteksiyon ng mga manggagawa sa naturang industriya.
Si Garcia, isang award winner at Hall Famer bilang director at actor, ay pumanaw noong Hunyo 2019 matapos dalhin sa ospital dahil sa pagkakasabit ng paa at nadapa at ikinabali ng kanyang cervical spine. Nagsho-shooting siya noon ng teleserye na Rosang Agimat nang maganap ang aksidente.
-Bert de Guzman