SALUDO si Kapuso comedienne Chariz Solomon sa mga security guard at maintenance personnel na tuluy-tuloy ang trabaho sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.
Post ni Chariz sa Instagram, “Nagliliparan ang gamit kagabi sa labas, at nagbabagsakan ang mga puro pero nasa labas sila, natanggal nila in no time ‘yung mga puno na bumagsak at humarang sa kalsada (tinalian na iyon nang maayos prior sa bagyo pero bumagsak pa rin). Tapos mas inuna pa nila i-relocate ang mga sasakyan namin sa safe parking spaces kaysa sa safety nila.”
Kaya dagdag pa ni Chariz: “Guys kung meron kayong superhero story kagaya nila manong guards namin, bawi tayo sa kanila. Alam kong trabaho nila iyon, pero aminin natin, it takes a really good person to brave a storm like that for other people na ni hindi mo kaano-ano. Kindness above all talaga. Thank God for them!”
May hugot si Chariz kasi, kahit umaarte lamang siya sa Descendants of the Sun PH series nila sa GMA -7, nararanasan niya ito sa role niya bilang isang military nurse sa medical team, lalo na sa eksenang nagkaroon ng lindol sa lugar kung saan sila naka-assign, at hindi nila iniisip ang sarili nila, kahit hindi sila kumain, mapaglingkuran lamang ang mga naging biktima ng lindol.
Patuloy na napapanood ang mga fresh episodes ng “DOTS PH” gabi-gabi sa GMA-7, pagkatapos ng Encantadia.
-NORA V. CALDERON