DHAKA (AFP) — Nanawagan ang isang Bangladeshi teenager nitong Biyernes para sa mas malakas na pandaigdigang pagkilos laban sa cyberbullying at online crime na kinasasangkutan ng mga bata nang tanggapin niya ang prestihiyosong global children’s award.
Si Sadat Rahman, 17, ay nanalo ng 2020 KidsRights International Children’s Peace Prize para sa pagbuo ng isang mobile app upang matulungan ang mga kabataan na mag-ulat ng cyberbullying at cyber crime sa kanyang kanlurang distrito ng Narail sa Bangladesh.
Kabilang sa mga dating nagwagi sa premyo ang Nobel laureate at Pakistani education campaigner na si Malala Yousafzai at environmental activist na si Greta Thunberg.
“Serious action needs to be taken right now. Teenagers continue to remain vulnerable to online crime and cyberbullying, particularly in the times we live in,” sinabi ni Rahman sa AFP sa isang remote interview.
Iginawad kay Rahman ang prize, na pinamamahalaan ng Netherlands-based KidsRights foundation, sa isang seremonya na na-stream online.
Tinalo niya ang dalawa pang finalist - ang Mexican na si Ivanna Ortega Serret, 12, na nilabanan ang polusyon sa tubig, at ang 18-anyos na Irish na si Siena Castellon, na lumikha ng isang website upang matulungan ang mga mag-aaral na may autism at matinding kapansanan sa pag-aaral
Sa pamamagitan ng “Cyber Teens” mobile app ni Rahman ay makakaignayan ng kabataan ang tinatawag na Narail Volunteer, na kinabibilangan ni Rahman.
Ang Narail Volunteers ay nakipag-ugnay sa lokal na pulisya at mga social worker upang matulungan ang mga tinedyer na labis na natakot o nahihiya na mag-ulat ng mga nangyaring ng cyberbullying at cyber krimen.
“The idea started after a 15-year-old girl committed suicide because of online bullying,” sinabi ni Rahman.
“I decided that teenagers needed help and that we should take action to try to avoid other children facing the same tragedy.”
Sinabi ni Rahman na balak niyang gamitin ang kanyang premyo, na kinabibilangan ng 100,000 euro investment parabsa mga proyekto, upang higit na mapaunlad ang app sa buong Bangladesh “and hopefully to serve as a model for the rest of the world.”
Iginawad ng KidsRights taun-taon ang premyo sa nagdaang 16 na taon “to a child who fights courageously for children’s rights.”