GENERAL SANTOS CITY - Isang umano’y sub-leader at limang iba pang miyembro ng isang Islamic State-inspired na teroristang grupo ang napatay, habang dalawang pulis ng Special Action Force (SAF) ang nasugatan sa engkwentro sa bayan ng Polomolok ng South Cotabato nitong Biyernes.

Sinabi ni Col. Jemuel Siason, South Cotabato police director, na maghahain sana ang mga awtoridad na warrant of aresto sa suspek ng pagpatay na si Arafat Bulacon dakong 5:00 ng umaga, Biyernes, sa Barangay Koronadal Proper sa bayan ng Polomolok nang magsimula ang gulo.

Sinabi ni Siason na si Bulacon at ang kanyang hindi nakilalang mga kasamahan ay pinaputukan ang operating team gamit ang mga malalakas na baril habang papalapit na sila sa lugar.

Ito ang nagtulak sa koponan - na binubuo ng Philippine National Police-SAF, Army Special Forces, at intelligence unit - na gumanti, aniya.

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon

Narekober sa pinangyarihan ang isang caliber 5.56 M4 rifle, dalawang 12-gauge shotguns, dalawang .38-caliber revolver, isang 5.56 pistol, isang improvised explosive device, at isang watawat ng Islamic State sa Iraq at Syria o ISIS.

Napatay si Bulacon sa engkwentro, habang ang pagkakakilanlan ng lima niyang kasamahan, na napatay din, ay hindi pa inilalabas hanggang sa oras ng pamamahayag. Ngunit sinabi ni Siason na itinuturing din silang “high-value criminals.”

Dalawang SAF troopers na kinilalang sina Cpl. Bryan Cabreros at Pat. Ronald Nipalam ay nagtamo ng mga sugat sa engkwentro, ngunit idineklarang “out of danger”, dagdag ni Siason.

Sinabi ng opisyal ng pulisya na si Bulacon - na mayroong dalawang mga warrant para sa pagpatay - at ang limang iba pang napatay na mga suspek ay bahagi ng isang terrorist cell ng Dawlah Islamiya-Maguid Group sa lugar.

PNA