Isinailalim na kahapon ng umaga sa state of calamity ang Marikina matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Ulysses’, na nagdulot ng malawakan at mala-Ondoy sa lugar.
“Ngayong umaga, nagdedeklara ako ng state of calamity sa lungsod ng Marikina upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makabawi sa hirap at pinsalang nararanasan nila ngayon,” paliwanag ni Mayor Marcy Teodoro.
Aniya, sa pamamagitan ng deklarasyon ng state of calamity ay mapahihintulutan ang lokal na pamahalaan na magamit ang kanilang calamity funds upang matulungan ang libu-libong residenteng apektado ng kalamidad.
-Mary Ann Santiago