Ni Chel Quitayen
The queen is home!
Masayang sinalubong ng mga Ilonggo si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang homecoming parade sa Iloilo City, Biyernes ng tanghali.
Sa kanyang official Instagram account nang umagang iyon, ipinahayag ni
Rabiya ang kanyang pag-uwi sa sariling bayan.
"Mapuli na ako Iloilo (Uuwi na ako Iloilo),” caption niya sa black and white silhouette photo niya na nakatanaw sa matatayog na gusali mula sa kanyang condo unit.
Ginamit ni Rabiya ang hashtag #PaintIloiloRed, bilang pahiwatig sa panawagan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas para sa mga Ilonggo na magsuot ng pula sa homecoming festivities.
Matatandaan na nakasuot si Rabiya red gown nang siya ay koronahan bilang Miss Universe Philippines 2020 sa Baguio City noong Oktubre.
Sa kanya namang Instagram Stories ay masayang ibinahagi ni Rabiya ang litrato ng kanyang korona at sash, at isinulat na: "Good morning, Iloilo! Good morning, Universe!"
Excited ang mga residente ng siyudad na ang ilan ay nag-comment na, “Ano oras ka day maparada (Ano’ng oras ang parada mo)?”
Hindi nagtagal at agad na nagamot ang kanilang pananabik sa homecoming parade ni Rabiya na nakasuot ang red Filipiniana gown, dakong tanghali.
Si Rabiya ang ikalawang Ilongga na nanalong Miss Philippines at lalaban sa Miss Universe makalipas ang 55 taon.
Truly, home is where the heart is.