MAKALIPAS ang higit isang dekada muling pumasok sa charts ang 2009 hit song

miley

Miley Cyrus na Party in the U.S.A., matapos ang anunsiyo ng pagwawagi ni Democratic candidate Joe Biden sa naganap na presidential election win.

Sa ulat ng Variety, nang pumutok ang balita kahapon ng umaga, isang non-official Twitter account sa ilalim ni President-elect Joe Biden ang nag-tweet ng: “Go celebrate! Listen to Miley Cyrus’ ‘Party in the U.S.A.’” Kalaunan sinuspinde ang account ng Twitter, ngunit kumalat na ang mensahe.

Tsika at Intriga

'Anyare sa mukha?' Yassi Pressman, hindi nakilala sa sariling TikTok video

Sa loob lamang ng 2 hours, ini-report ng Twitter account Chart Data na muling pumasok ang kanta sa iTunes Top 200 chart sa U.S. Na paulit-ulit ring pinatugtog ng mga radio station sa buong Amerika.

Tumugon naman si Miley sa muling pagsikat ng kanyang kanta via Twitter, na nagbahagi ng kanyang excitement para sa pagwawagi nina Biden at Kamala Harris.“Now this is a party in the U.S.A.!” tweet ni Miley.

Sunod-sunod din ang pag-retweet ni Miley sa mga videos na ibinahagi ng kanyang mga fans, kung saan makikita ang mga tao na nasa lansangan ng New York City, Washington D.C. at iba pang syudad habang nagja-jamming at sabay-sabay na kumakanta ng Party in the U.S.A.