SINO nga ba ang kumanta ng awiting Magandang Dilag na patok na patok ngayon sa social media? Well balikan muna natin kung saan ginamit ang musika na ito. Matatandaang nagsilbing background music ang Magandang Dilag sa nakaraang first edition ng Miss Universe Philippines 2020 under new franchise. Tinugtog ang kanta sa portion ng swimsuit competition ng top 16 habang rumarampa at todo-project ang bawat kandidata na talaga namang bagay na bagay sa saliw ng awitin.

JM Bales

Walang pagsidlan ng tuwa nang makapanayam ng Balita via Zoom ang umawit ng Magandang Dilag ang tubong Iloilo at may dugong Waray ang singer at songwriter na si JM Bales. Incidentally, pareho sila ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na taga Iloilo. Nagkita na rin ang dalawa at nagkausap nang mag-guest sila recently sa It’s Showtime na parehong nagbabalak maghomecoming victory sa Iloilo.

Sa pagkukuwento naman ni JM kung paano napunta sa kanya ang awiting “Magandang Dilag.” Yung demo niya ng naturang awitin ay ipinasa niya noon at masuwerteng pinili raw siya ni Kiko Salazar ang mismong lumikha ng awitin at ni Jonas Gaffud. Kaya raw siya napili sa kabila ng maraming ini-scout na mga artists dahil may mga characteristics daw yung song na kayang ibigay ni JM at kailangan daw nila ng fresh singer na aawit nito. Ayon kay JM big break at sobrang nagpapasalamat daw siya sa pagkakapili sa kanya para umawit nito na intended sa pageant. Sa ibang nagpost nga sa Youtube ng Magandang Dilag ay umaani na raw ito ng million views at maging sa Tiktok ay kinagigiliwan ito.

Tsika at Intriga

Anyare? Ngipin ni Andrea, natapyas

Bilang panganay sa limang magkakapatid pursigido si JM makuha ang pinapangarap maka-penetrate sa music industry nang sa gayon makatulong din daw siya sa pamilya niya. Nakuha niya ang talent ng pagkanta sa kanyang ama dahil umaawit din daw ito noon. Ang tatay rin niya noon ang nagsilbing coach o trainor sa pag-awit. Nag-umpisa si JM sa pagsali sa mga amateur singing contest sa mga barangay. Dahil sa sobrang hilig sa pag-awit lumuwas ng Maynila si JM para subukan ang kanyang kapalaran. Sumali siya sa mga singing contest sa TV sa Protégé, Pilipinas Got Talent, Wish 107.5 at sa Tawag ng Tanghalan (TNT) sa Showtime. Sa TNT nagfive-time defending champion daw siya na umabot bilang semi finalist at tinanghal na Madlang Pipol Choice. Sa pagsali noon ni JM sa TNT naging piyesa niya ang mga awitin ng kanyang idol na si Gary Valenciano. Hinahangaan naman niya ang mga international artists gaya nina Justine Bieber at Billie Eilish na isang singer songwriter din.

Sa pagbabahagi ni JM nagkaroon daw siya ng matinding struggle sa tinatahak niyang singing career. Aniya, “Pinakamatinding struggle ko is yung I strived hard para magsinging contest then nagtuluy tuloy ako sa “Showtime” tapos binigyan kami ng break ito ang pinakamalaking struggle ko. Akala ko after ng competition matutupad na ang pangarap ko so hindi pala. Doon palang magii-start pala ang real competition kung paano mo ipagpapatuloy yung nasimulan mo. Paano ka magco-compete sa mga kapwa mo artists. Paano ka magi-stand out sa kapwa mo artists. Doon palang magi-start yung real competition. So after ng TNT nabigyan kami ng break pero hindi siya ganoon ka-consistent. Hindi siya paakyat kundi ups and down. Pero which is normal. So yun ang pinaka challenge sa akin. Paano ko i-cocontinue yung passion ko sa music. Nagsulat ako ng kanta which is yung Paalam at yung My Everything. Siguro sabi ni Lord yun pala ang path na gusto mo songwriting sige hindi man ikaw ang nagsulat pero someone magbibigay sayo ng hit para maipagpatuloy mo ang songwriting at love mo sa music. So yun dumating yung Magandang Dilag parang ito talaga yung big break ko para mas makilala ang JM Bales para maipagpatuloy ko pa ang love ko sa music at sa songwriting.”

Graduate ng Packaging Engineering si JM. Napagdaanan niya ang maging working sudent noong nag-aaral pa siya dahil na rin sa hirap ng buhay. Nagwork siya sa isang kilalang food chain, nagcall center at naging house boy sa Iloilo na malapit sa school nila para sa libreng boarding house na may allowance. Dagdag pa ni JM naranasan din niyang magtinda sa palengke kasama ng pamilya niya noon ng mga kaldero, tsinelas at iba pang gamit sa bahay sa bawat barangay para sa palengke days sa Iloilo.

Samantala hangad ni JM na makapag-guest sana sa show ni Willie Revillame sa “Tutok to Win sa Wowowin.” Ika niya malaking karangalan daw makatungtong sa entablado ng show ni Willie. Dahil nabalitaan niya na pinatutugtog ang kanyang awiting “Magandang Dilag” noong nagguest host ang mga runners-up ng Miss Universe Philippines 2020.

Wish daw ni JM ngayong darating na Pasko at Bagong Taon na magkasama sama sila ng pamilya niya na nasa Iloilo. Dahil medyo matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Yun na!

-DANTE A. LAGANA