Iniulat ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 11,297 ang bilang ng health care workers na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), simula noong Marso.
Sa naturang bilang, 10,958 na ang nakarekober o tuluyang gumaling mula sa karamdaman.
Sa ngayon, nasa 268 na lamang naman sa kanila ang itinuturing pang aktibong kaso ng sakit, o kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas.
Sa bilang na ito, 129 ang mild cases, 105 ang asymptomatic, 23 ang severe, at 11 ang nasa kritikal.
Samantala, umabot naman na sa 71 ang bilang ng mga health care worker na binawian ng buhay dahil sa virus.
-Mary Ann Santiago