Inilunsadni Angel Locsin ang kanyang “Typhoon Rolly Assistance Initiative” kung saan magbibigay siya ng tulong pinasyal sa mga nasalanta ng bagyong “Rolly.”
“Sa aming maliit na paraan, naisip po naming makapag-abot tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Rolly thru GCash. Though we would like to reach out to everyone who are in need, our resources are limited and can only accommodate the first 1,000 valid request. Each request will receive P1,000. Valid only from Nov 1-3, 2020,” post ni Angel.
Isinama ni Angel ang instructions na kailangang sundin ng mga gustong maka-avail ng P1,000 at kung saan puwedeng ipadala. Nangako siya na lahat ng magpapadala ng video ay confidential at hindi nila ilalabas.
Kailangan ding may GCash account ang magpapadala ng video para sa transactions. Nakiusap si Angel na ang matinding naapektuhan lang ng bagyo ang mabibigyan ng financial help.
Kung 1,000 katao na biktima ng bagyong Rolly ang bibigyan ni Angel, ibig sabihin ay aabot sa P1,000,000 ang total donation niya. Kaya naman puring-puri si Angel ng netizens.
-NITZ MIRALLES