Sinabi ng Malacañang na oras na lamang ang hinihintay bago pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na maglagay ng price ceiling sa halaga ng real time-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests na ginamit upang makita ang COVID-19.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na hinihintay lamang nila ang desisyon ng Pangulo tungkol sa bagay na ito.
“Well, inaantay na lang po natin ang desisyon ng Presidente, tapos na po lahat ng staff work,” aniya.
“It’s a matter of time. I think anytime the President will sign his executive order,” dugtong niya.
Sa isang text message, sinabi ni Roque na ipa-follow up niya ang status ng EO.
Gayunman, sinabi niya na habang hinihintay ng publiko ang paglagda ng EO, pinapaalalahanan niya ang mga nangangailangan na ma-test na may abot-kayang testing services sa bansa na nagkakahalaga ng mababa sa P1,500 hanggang P2,000.
“Tangkilikin po natin itong mga lugar na ito,” aniya.
Among those facilities in Metro Manila offering affordable COVID-19 tests are the following:
Kabilang sa mga pasilidad na ito sa Metro Manila na nag-aalok ng abot-kayang COVID-19 tests ay ang mga sumusunod: Philippine Children’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, at Lung Center of the Philippines, na pawang nasa Quezon City, at Perpetual Help Medical Center sa Las Piñas
Argyll Cyrus B. Geducos