Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa ang inflation rate sa Disyembre hanggang sa Enero ng susunod na taon.

Ang pahayag ng BSP ay kasunod ng inaasahang posibilidad na manatili sa 2.3 porsiyento ang inflation rate sa bansa ngayon Oktubre.

Sa pagtaya ng Department of Economic Research ng BSP, sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno maaring ang October inflation rate ay maglalaro sa pagitan ng 1.9 hangang 2.7 porsiyento.

Beth Camia
Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'