Huling sali na pala ni Michele Gumabao sa beauty pageants ang 2020 Miss Universe Philippines, kung saan, nag-2nd runner-up siya. Ito ang kanyang inilahad sa media nang ma-interview sa E. Eskwela hub na nasa Manila Child Center sa Sampaloc, Manila.

michelle

Binanggit na dahilan ni Michele kung bakit hindi na siya sasali sa mga beauty contest ay ang age requirement ng international pageant organizations na ang representative ay kailangan 18 to 27 years old o kaya’y 28 years old bago magsimula ang international competition.

Nabanggit din ni Michele na magpu-focus siya sa kanyang mga negosyo at sa bagong career. May mga nag-iisip na baka pasukin na rin ni Michele ang showbiz , na hindi malayong mangyari dahil ang dad niyang si Dennis Roldan ay isang artista gayundin ang kapatid niyang si Marco Gumabao.

National

‘Julian’ isa na lamang LPA; nasa labas na ng PAR

“This is the beginning of an even brighter journey because I have different businesses that I would like to bring into the Philippines and now I have the time to be able to do so. I have also another career that I am eyeing for,” pahayag ni Michelle.

Hindi pa binanggit ni Michele ang kanyang mga plano dahil hindi pa raw right time. “Now is not the perfect time to share about that but in God’s time, I’ll reveal everything,” dagdag niya.

-NITZ MIRALLES