Nagsimula na ang Philippine National Police (PNP) sa ‘Oplan Kaluluwa’ kahit nasa pandemya pa ang bansa.

Ito ay bahagi ng preemptive measure sa mga sementeryo na dinagsa na ng publiko bago ang pagsasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.

Paliwanag ni PNP chief, Gen. Camilo Cascolan, hindi mapipigilan ang publiko sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay kaya asahan na may mga magbibiyahe kaya inatasan na niya ang Highway Patrol Group na tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista.

Inalerto na rin ang PNP regional at provincial directors upang matiyak ang kapayapaan sa kanilang mga nasasakupan gayundin ang Barangay Enforcement Teams at marshall upang tiyakin ang kaligtasa sa paligid.

Probinsya

Binatilyong nanonood ng liga, patay matapos makuryente sa poste ng basketball ring

-Fer Taboy