Dinagdagan ng Kamara ng P6 bilyon ang ayuda sa mga manggagawa at mahihirap na pamilya na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, sa kanilang sa 2021 General Appropriations Bill (GAB).

Pinagtibay ng 14-miyembrong komite, ang lupon na naatasang mag-consolidate sa lahat ng susog sa 2021 GAB (P4.5-trillion national budget), ang pagtataas sa panukalang mga budget ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P4 bilyon at P2 bilyon, ayon sa pagkakasunod.

Nagdagdag ng P4 bilyon sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) ng DOLE kaya ito ay naging halos P14 bilyon mula sa dating P9.9 bilyon.

-Bert de Guzman
Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7