Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong ‘Quinta’ sa Bicol Region ngayong araw.

Idinahilan ng PAGASA, isinailalim na nila sa Signal No. 1 ang Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, at eastern portion ng of Camarines Sur.

Babala ng PAGASA, nananatili ang lakas ng bagyo habang papalapit sa Bicol.

Ayon sa PAGASA, ang nasabing bagyo ay may lakas ng hanging 30 hanggang 60 kilometers per hour (kph) na may pabugso-bugsong ulan sa loob ng 36 oras.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Huling namataan ang bagyo sa layong 660 kilometro Silangan ng Catarman, Northern Samar o 730 kilometro Silangan ng Juban, Sorsogon.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kph.

Sa pagtaya ng PAGASA, babayuhin ng bagyo ang Bicol ngayong umaga hanggang Lunes bago ito tatawid sa Southern Luzon at tuluyang tatahak sa West Philippine Sea.

Posible pang lalakas ang hangin ng bagyo mula 89 hanggang 117 kph sa loob ng 12 oras bago tatama sa Bicol.

Kahapon, naitala ang lakas ng hangin nito na 55 kph at bugsong hanggang 70 kph.

-ELLALYN DE VERA-RUIZ