Sinuspindi kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang isasagawa sanang voter registration sa Oktubre 31 bilang pagtalima sa Araw ng mga Patay.
“Voter registration will be suspended on October 31, 2020, Saturday. All Offices of the Election Officer (OEOs) nationwide will be closed,” ayon sa abiso ng Comelec.
“Voter registration will resume the following Tuesday, November 3, 2020,” pahayag ng ahensya.
Kaugnay nito, nilinaw ng Comelec na simula sa Nobyembre 9, isasagawa na ang voter registration mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Sa ngayon, isinasagawa ang voter registration kada Martes hanggang sa Sabado mula nang ipagpatuloy ito noong Setyembre 1.
-Leslie Ann G. Aquino