Isang kongresista mula sa Mindanao ang nananawagan na pagkalooban ng P13.7 bilyong subsidy ang naluluging mga employer upang matulungang makabayad sa 13th-month pay ng mga manggagawa at empleyado.

Naghain ng House Resolution No. 1310 si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at sinabing ang mga may-ari o employers sa micro, small, and medium-scale (MSME) business sector, ay nangangailangan ng ayudang pinansiyal mula sa pamahalaan.

Sa pagtaya aniya ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kailangan ang P5 bilyon hanggang P13.7 bilyon upang masuportahan ang naluluging MSME employers upang makapagkaloob ng 13th month pay.

“The government, specifically the DOLE, should come in to implement a subsidy program and provide funds for qualified and distressed employers, particularly micro, small and medium-scale enterprises,” ayon sa kongresista.

Probinsya

9-anyos na paslit, sangkot sa motorcycle robbery sa Cavite!

Binanggit nito ang datos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasaad na nasa pagitan ng 1.5 milyon at 5.1 milyong small and medium enterprise workers, ang apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

-Bert de Guzman