TR E N D I N G kamakailan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla d a h i l s a p o s t makahulugang photos na ipinost nina Mommy Min Bernardo at Karla Estrada, akala nang maraming KathNiel fans ay marriage announcement na ito, ngunit kalaunan ibinahagi ng real life couple na para ito sa kanilang bagong sitcom sa Kapamilya network, ang The House Arrest of Us.

kathryn at karla

Kaya naman sa nagong digital conference ng kanilang upcoming digi-movie series ay hindi rin naiwasang pag-usapan ang tungkol relasyon ng dalawa sa pamilya ng isa’t isa.

“I think it’s safe to say na okay ‘yung relationship ni Tita Karla, ako kay tita Karla. Si Mama and si DJ super okay,” pagbabahagi ni Kathryn.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Ibinahagi ni Kathryn na sa walong taong relasyon nila ni Daniel, ay kasabay din nilang pinaghirapan ang magandang relasyon sa kanilang mga magulang.

“Happy kami na in real life maayos ‘yung pamilya namin pareho, siguro tumatag na rin sila over the years naming magksama. Pati mga kapatid niya parang kapatid ko na rin, sina Maggie and Carmela,” aniya.

Ayon sa aktres extended family na ang turing niya sa pamilya ni Daniel.

“Si Mama and si Tita Karla and kami ni Tita Karla personally, parang extended family ko na rin sila and I’m happy na ganun ‘yung klase ng relational na mayroon kami.

Sa ngayon, inaabangan na ng fans ang pagsisimula ng The House Arrest of Us na mapapanood sa KTX.ph at iWant TFC simula ngayong October 24.

-ADOR V. SALUTA