SIMULA ngayong Linggo sa GMA News TV, may fresh episodes na ang paboritong cooking show ng lahat—ang Idol sa Kusina: Lutong Bahay.

Muling maghahanda sina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza ng mga bagong putahe mula mismo sa kanilang tahanan at sa mga bahay ng mga Kapuso star and celebrity chefs.

Bukod sa easy-to-do recipes magbibigay rin sila ng tips kung papaano pa mapapasarap ang mga nakasanayang pagkain ng buong pamilya.

Ngayong Sunday, makakasama ng dalawa sina Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas at hunky Celebrity Chef Jose Sarasola.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

Mula sa kanyang bahay, ipapakita ni Aiai kung paano lutuin ang kanyang personal Cheese Bread na papartneran pa niya ng Creamy Carbonara.

Si Chef Jose Sarasola naman, hindi papahuli sa Chef’s Challenge. Ibabahagi niya kung paano gawin ang Cheesy Chicken ala King in Bread Bowl.