Ipinagbabawal na ngayon sa Office of the Ombudsman sa kanilang mga empleyado ang anumang uri ng sekswal na pambabastos, kahit sa kani-kanilang personal na social media accounts.

Ito ang nakapaloob sa Administrative Order No. 2 na inilabas ni Ombudsman Samuel Martires na may titulong, “Code of Conduct on Prohibiting Sexual Harassment in the Office of the Ombudsman.” Bukod dito, pinatitigil din ng Ombudsman sa mga kawani nito ang anumang uri ng “sexual harassment acts” kabilang na rito ang gender-based sexual harassment at online sexual harassment.

Saklaw din ng kautusan ang pagbibigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga empleyado at kliyente ng anti-graft agency sa labas ng tanggapan. “The Office of the Ombudsman will operate a zero-tolerance policy for any form of sexual harassment in the workplace, treat all incidents seriously and promptly investigate all cases of sexual harassment, gender-based sexual harassment and gender-based online sexual harassment,” ang bahagi ng kautusan.

Layunin din ng kautusan na mabigyan ng boses at proteksyon ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsusuplong sa Committee on Decorum and Investigation (CODI) nito.

Eleksyon

Kontra Daya, iba pang grupo nagdaos ng kilos-protesta para kalampagin Comelec

Binanggit na kapag napatunayang nagkasala ang gumawa nito at papatawan ito ng preventive suspension o pagkakasibak sa serbisyo.

Czarina Nicole Ong Ki