May laya nang lumabas sa kani-kanilang bahay ang nasa edad 15 hanggang 65.

Ito ang inianunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos luwagan ang ipinatutupad na paghihigpit sa mga pinapayagang lumabas ng bahay.

Binanggit naman ni Presidential spokesperson Harry Roque, binibigyang kapangyarihan ang mga local government unit para i-adjust ang age limit para sa mga menor de edad, depende sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) situation sa kanilang lugar. Naglabas na rin ng update ang IATF sa listahan ng mga kasama sa APOR (authorized persons outside residence) kung saan kasama rito ang mga repatriated overseas Filipino worker at overseas Filipino na pauwi sa kani-kanilang pamilya.

Beth Camia
Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’