Mas maayos at mabilis na justice system ang kailangan sa Pilipinas.

Ito ang reaksyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) kasunod ng pagkamatay ng sanggol ng isang aktibista na nakakulong at nahiwalay sa kanya matapos maipanganak.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang IBP sa hindi magandang sistema ng hustisya sa bansa kung saan sinabing ang pagkamatay ng tatlong buwang gulang na si Baby River Nasino ay patunay na may pagkukulang ang justice system. Iginiit ni IBP President Domingo Egon Cayosa, dapat pa rin mapangalagaan ng justice system ang mga pangangailangan at karapatan ng mga inosenteng bata sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pasilidad para sa mga preso na may anak na sanggol.

Ang sanggol na si River ay anak ng aktibistang si Reina Mae Nasino na naaresto isang taon na ang nakalilipas dahil sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

Sakit na pneumonia ang ikinamatay ni River nitong Oktubre 9 saan dito kinuwestyon ni Cayosa ang kakulangan ng mga jail facility para sa mga babaeng detainee.

Ayon pa sa kanya, nagmumukhang “double standards” ang nasabing sistema dahil mas nabibigyan pa ng magandang pribilehiyo ang mga kilalang detainee na may mabibigat na kaso.

-Beth Camia