Humingi na ng paumanhin (apology) si Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Duterte sa nangyayaring gusot sa Kamara at sinabing hindi totoong binabalam nila ang approval ng P4.5 trilyong national budget para sa 2021.
Binanggit ni Cayetano, sineseryoso nila ang admonisyon o babala ng Pangulo tungkol sa pambansang budget at tiniyak nito sa publiko na ipapasa nila ito.
Iginiit niyang ang national budget ay maisasabatas at malalagdaan bago magtapos ang 2020 sa kabila ng pahayag ng mga senador na magiging gipit sila sa panahon kapag nabalam ang sesyon ng Kamara.
-Bert de Guzman