BAGUIO CITY – Iniulat ng Baguio City Police Office na aabot sa 92 police trainees na nagsilbing frontliners mula nang magsimula ang pandemya ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) kamakailan.

Ipinahayag ni BCPO Director Allen Rae Co, ang kasiguruhan sa publiko na sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga tauhan ay patuloy pa rin ang kanilang serbisyo para sa kaligtasan at seguridad laban sa pandemya.

Aniya, ang BCPO ay nananatiling high morale sa kabila ng patuloy na pagdami ng COVID-19 cases na ang ilang biktima ay miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang pulong balitaan, iniulat ni Co na sa kasalukuyan ay may kabuuang 92 police trainees ang nagpositibo sa COVID-19.

National

Bersamin tungkol sa patutsada ni Rodriguez: kantyaw nang kantyaw

Karamihan sa mga ito ay nanunuluyan sa kanilang barracks sa Barangay Lower Lourdes Subdivision.

Tinatayang aabot sa 200 police trainees ang naging close contacts ng mga nag-positibo sa virus gayunman isinasailalim na sila sa quarantine para maiwasan pa ang posibleng pagkalat ng virus.

Matatandaang mahigit sa 400 police trainees ang naka-deploy sa lungsod bago magsimula ang pandemya sa ilalim ng kanilang Field Training Program.

Itinalaga ang mga ito sa ilang quarantine checkpoint, barangay na naka-lockdown, presinto at pampublikong pamilihan sa nakalipas na anim na buwan.

-Zaldy Comanda