Pormal nang binuksan ang Solaire-PAGCOR Mega Quarantine Center sa Bagong Nayong Pilipino sa Parañaque City, kahapon.

Itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipagtulungan ng Solaire at PAGCOR ang nasabing mega quarantine facility na may 525 beds para sa sa mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID- 19).

Ang turnover ceremony ay sinaksihan nina Secretary Harry Roque at iba pang cabinet secretary.

-Bella Gamotea
National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA