Karamihan ng alkalde sa Metro Manila ay pabor pa rin sa pagpapanatili ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) kaugnay ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kahapon.

Gayunman, nilinaw ni Año na ilalabas pa rin ang pinal na desisyon sa usapin matapos ang pakikipagpulong nito sa mga alkalde ng Metro Manila sa Setyembre 27 kung saan ay tatalakayin kung pananatilihin pa rin sa GCQ o Modified GCQ ang Metro Manila.

“A lot of the mayors in NCR still want the GCQ but it will still depend on the meeting on Sunday (September 27),” banggit ni Año na vice chairman din ng National Task Force (NTF) on COVID-19.

National

‘I have no idea!’ Bato, wala raw alam sa ‘reward system’ para sa drug war

Sa gagawing pagpupulong, inaasahang maglalabas ang

Metro Manila Council ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na idadaan sa NTF on COVID-19.

“Whatever the recommendation, we will compare it with data analytics. It is after the comparison that a final recommendation is expected to be submitted,” ayon sa opisyal.

“It would be better that Metro Manila is still under GCQ rather than declare a MGCQ but with a stricter quarantine protocol implementation. But this will be discussed on Sunday and we will immediately announce it,” sabi pa nito.

Ipinaliwanag din ni Año na ang pangulo pa rin ang may huling desisyon sa usapin

-AARON B. RECUENCO