Hiniling ng isang senador sa Department of Health (DOH), sa mga local government unit (LGU) at sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng Strengthened Anti-Hospital Deposit Law.

“Bakit natin itinataboy ang mga pasyenteng nasa hukay na ang isang paa? Dapat maparusahan ang lumalabag sa batas. Hindi makatarungang may mga pasyenteng namamatay dahil sa kawalan ng pera, lalo na sa gitna ng isang health crisis,” ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Sa ilallim ng naturang batas, mahaharap sa anim na taong pagkabilanggo at P1 milyong multa ang mga may-ari ng pagamutan na nagtataboy ng mga pasyente.

Maaari rin silang tanggalan ng license to operate, at multang P300,000 at apat na taon na pagkakulong ang mga kawani ng ospital na may kinalaman sa pagtaboy.

National

Usec. Castro sa umano’y ex-VP Leni vs VP Sara: 'Aksyon vs Bakasyon?'

“I hope the NBI, with the assistance of DOH and LGUs, will continue to file criminal charges against similar violators. Hospitals must not get away with these unjust refusals that literally kill our fellow Filipinos,” lahad pa ng senador

-LEONEL ABASOLA